Pinasigla ng mga resulta ng survey na “very good” ang public satisfaction rating ng kanyang administrasyon, muling nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng maginhawang buhay ang lahat ng Pilipino.

Ikinalugod ni Presidential Spokesman Harry Roque ang resulta ng survey at tiniyak sa publiko na nananatiling pursigido ang Pangulo sa kampanya laban sa krimen at korapsiyon.

“Sa kabila ng mga batikos laban sa Presidente, binigyan pa rin ng publiko ang Pangulo ng very good satisfaction rating,” ani Roque sa press conference in Davao Occidental.

“Notwithstanding this rating which SWS (Social Weather Stations) classified as very good, the President remains focused with his promise to the Filipino people and he has rolled up his barong to fight drugs, criminality and corruption and bring comfortable life for all Filipinos,” dugtong niya.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Sa SWS survey na isinagawa nitong Hunyo, 72 porsiyento ng respondents ay kuntento sa performance ng gobyerno, 15% ang hindi makapagpasya, at 13% ang hindi kuntento.

Iniugnay ni Roque ang mataas na public satisfaction rating ng gobyerno sa walang kapagurang serbisyo publiko ng Pangulo, binanggit ang mga programa sa libreng irigasyon, libreng matrikula sa state colleges at universities, libreng wi-fi, at national feeding program.

“The President is not yet through. There will be more benefits waiting for the nation,” ani Roque.

-Genalyn D. Kabiling