IBINAHAGI ni Chrissy Teigen ang kanyang pagkabigla at pag-aalala nang maranasan ang malakas at nakamamatay na lindol sa Indonesia, sa kanyang social media followers.

(Photo by Chris Pizzello/Invision/AP,File)

(Photo by Chris Pizzello/Invision/AP,File)

Naramdaman ng modelo, kasama ang kanyang singer-husband na si John Legend at kanilang dalawang anak, ang lindol nitong Linggo habang nagbabakasyon sila sa Bali.

“Bali. Trembling. So long,” tweet ni Teigen sa kanyang 10.6 milyong followers.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa kasalukuyan, aabot na sa halos 100 ang nasawi sa lindol sa tourist island ng Lombok, may 50 milya (80.5 kilometro) ang layo mula sa Bali.

Sa isa pang post, sinabi ni Chrissy: “Oh man. We are on stilts. It felt like a ride. 15 solid seconds of “hooooooly (expletive) this is happening.”

Pati aftershocks ay kinatakutan na rin ni Chrissy.

“I’m either still trembling or these little quakes won’t stop IM TRYING TO BE NORMAL HERE,” post niya.

Sa isang banda, nanatili nang kalmado si Chrissy habang lumilindol dahil hawak niya ang dalawang buwan niyang anak na so Miles: “I very calmly walked outside saying clutching baby saying ‘I’m naked. I’m naked. I’m naked.’ like a naked zombie.”

-Associated Press