MAAARING makatulong sa mga obese na bata ang paglalaro ng video games upang makapagbawas ng timbang, ayon sa bagong pag-aaral.
Tinutulungan ng special exercise video games na makapagbawas ng timbang ang mga overweight na bata – at paghusayin ang kanilang cholesterol at blood pressure – habang sila ay nagsasaya, napag-alaman sa pag-aaral na ini-report sa Pediatric Obesity.
Mas mainam na hayaan ang mga bata na gawin ang kanilang mga nais bilang pampalipas oras, kaysa ito ay pigilan, ayon kay Amanda Staiano, ang pangunahing awtor ng pag-aaral na mula sa Pennington Biomedical Research Center sa Louisiana State University.
“Kids are really interested in this and spend hours a week playing,” sabi ni Staiano. “So, rather than blame the games and technology, it made sense to see how they could help.”
Nakatutulong ang video games para mailabas ng mga bata ang kanilang competitive side sa iba’t ibang uri ng ehersisyo.
“Your body becomes input into the game through an infrared sensor,” paliwanag niya. “It’s constantly reading what your body is doing. And you make points controlling the player on the screen with your own body.”
Upang gumawa ng mas epektibong programa, kabilang ang lingguhang pakikipag-usap sa isang coach via Internet.
“That helped keep them accountable for physical activity goals,” sabi pa ni Staiano. “Other groups have given kids games at home only to find that kids stopped playing after a few weeks.”
Hinihikayat ang mga bata na maglaro ng video games sa bahay kasama ang kanilang kaiabigan o kapamilya.
“Studies have shown that children expend more energy when they are playing with another person,” aniya pa.
“(The new study) encourages us to think out of the box,” lahad ni Dr. Tammy Brady, ang medical director ng pediatric hypertension program sa Johns Hopkins Medicine sa Baltimore, Maryland.
“We are realizing more and more that we need to meet kids half way, so to speak,” lahad pa niya. Hindi sangkot si Brady sa bagong research.
“This says that maybe we need to be more inventive and pay attention to what children and teens are doing and adapt our methods to what is interesting to them. I think this is very promising in terms of the outcomes they were able to get in a short time,”dagdag ni Brady.
Reuters