Nabulilyaso ang isang babae sa tangkang pagpuslit ng mga ilegal na droga sa Bureau of Immigration (BI) Detention Center sa Bicutan, Taguig.

Nahuli ni BI Warden Facility Chief Edward Mabborang, katuwang ang puwersa ng Philippine drug Enforcement Agency (PDEA), si Melody Brosas Almoete, nasa hustong gulang, na nagtangkang magpuslit ng 10 gramo ng umano’y shabu.

“Her modus operandi is to hide the shabu in her private parts to avoid being caught during inspection,” ani Mabborang.

Aniya, naghinala sila nang madiskubre ang mga drug paraphernalia sa loob ng pasilidad.

National

VP Sara, nahainan na ng subpoena ng NBI

“We conducted surveillance and monitored the activities of the visitors, and caught her when she attempted to take out the drugs in the restroom,” pagbabahagi niya.

Pinasalamatan naman ni BI Commissioner Jaime Morente ang PNP sa pagkakahuli sa suspek.

-Jun Ramirez