SA pelikulang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon, na entry sa 2018 Cinemalaya, tampok ang kuwento ng mag-asawang nagkahiwalay noong kabataan nila dahil babaero ang lalaki, samantalang ang babae ay nakatagpo ng bagong pag-ibig.

Pagkalipas ng mahabang panahon ay nagkasakit ang lalaki, kaya kinailangang bumalik ng babae sa kanyang mister para alagaan ito, nang may permiso ng bago niyang minamahal.

Malungkot at masakit ang kuwento ng Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon na kung tutuusin ay ordinaryo na ang kuwento dahil marami naman na sa totoong buhay ang may ganitong kuwento.

Natanong ang tatlong bida ng pelikula, sina Perla Bautista, Menggie Cobarrubias, at Dante Rivero kung bakit nila tinanggap ang pelikula. Dahil ba bagay sa kanila ang kuwento, o dahil malapit na silang magdapithapon? Paano kung mangyari sa kanila ito?

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

“Ikinuwento ko nga sa kanila (production) na ito ‘yung pelikula na kahit hindi ako bayaran ay gagawin ko,” sabi ni Tito Menggie. “Maganda talaga, eh. Tinawagan ako ni Tin (Orfiano, caster) ikinuwento niya ‘yung mangyayari, I did not even negotiate. Kung ano lang ‘yung ibinigay nila at kung ano lang ‘yung kaya ng production, so nandito ako.

“Bakit ko tinanggap ko? Kasi konti lang naman ang edad namin (Perla at Dante), ang feeling ko nandoon na ako (sa dapithapon). And it something that I probably saw in my parents. My parents both died at age 85.

“Namamatay ba ang pag-ibig? Nawawala ba ang selos? Even ngayon, kapag nakita ko ‘yung crush ko nu’ng high school at kasama ko asawa ko, kapag confident kayo sa isa’t isa, confident kayo sa relationship ninyo, nagiging tao lang kayo, eh. Taong rational, taong practical and insecure.

“So, kaya ko tinanggap kasi it gives you another passes sabi nga nila, getting old is a privilege denied to marry. Hindi namin ikinahihiyang maging matanda na umabot kami ng ganito.

“Another cliché is, I know a lot of being young, but young people don’t know anything about being old. If they lucky enough, they can probably reach this stage and perhaps they would grasp an idea of how can be old should be. I think this is one of the reason kung bakit ko tinanggap itong project.

“Talagang it something I anticipate hopefully it could not happen to me dahil ‘yung asawa ko hindi naman ganu’n. Ako puwedeng mangyari sa akin, puwede ‘yung dati kong asawa lumapit ulit sa akin, I don’t know how my young wife will react.”

Paliwanag naman ni Tita Perla: “Ako naman ay natutuwa na gumanap ako sa ganitong papel sa dahilang malapit na rin naman, dapithapon na ako, eh. Nasa dapithapon na ako.

“Ngayon, nagkakaroon ako ngayon ng pagkakataon na sagutin ‘yung iba kung paano ko hinihintay ang dapithapon ng buhay ko.

“Ito, sasabihin ko ang angyayari sa buhay ko ngayon, naga-accounting ako, everyday day and every night kapag matutulog na ako. Sa isang araw, may napasaya ka bang tao? Meron bang ngumiti dahil sa ‘yo?

“Pagkatapos, one good deed a day. E, kaming mga artista naman, nakakagawa naman, isine-share ko ito sa mga batang artista, masuwerte tayo na hindi lang one good deed a day ang nagagawa natin sa isang tao. ‘Yung mga fans ninyo napapasaya ninyo, magpapakuha ng litrato, tuwang-tuwa na magpapasalamat pa.

“Ngayon kaming mga matatandang artista, pag matanda ka na sa personal kong experience, nalalagay ako sa sitwasyon na nagpapasalamat ako sa Diyos na ang pinaghahandaan ko ay ang pagharap sa Kanya.”

Sabi naman ni Tito Dante: “Sa totoo lang masakit ng konti kapag napag-uusapan ‘yung pagtanda ng isang tao. Ako, I’m taking it so lightly na gusto kong mag-enjoy with my family, gustung-gusto kong pumuntang dagat with my sons, with my apo. So I try to enjoy my life up to now.”

At ang gumanap na anak naman nina tita Perla at tito Dante sa pelikula na si Romnick Sarmenta ay nagpahayag din tungkol sa dapithapon.

“Bakit ko tinanggap, well eversince naman isa lang po ang batayan ko sa pagtanggap (project) unless forced ako ng isang kontrata, hindi ako tatanggap ng hindi ko muna nababasa ‘yung script at pag-aaralan ko muna ‘yung karakter.

“Ang tanging batayan ko sa pagtanggap (role) ay kung gaano kasakit at kasarap sa dibdib pag binasa mo ‘yung istorya. Pag nasakyan ko ‘yung istorya sa unang basa, halos siyento por siyento, tatanggapin ko ‘yun.

“Ang problema na lang do’n ay ‘yung schedule. Pero kapag naayos ang schedule, wala ng problema. And what I can say about the project is ang ganda ng istorya, ang ganda ng settings, ang galing ng characters buong-buo ‘yung relationships, ang ganda ng interactions and parang as a salute lang to the veterans (actors) beside me and I had the privilege working with them. Sa tinagal-tagal ko sa trabahong ito, ang pinakamasarap na katrabaho ay ang mga beterano. I enjoyed working with anyone, but the most gratify and most rewarding para sa akin, yung kasama sila.

“Ang tungkol naman sa paghihintay ng dapithapon. If you think about it, it’s not really with the age, eh. Hindi mo masasabi. Everyday has one, everyday has a does and no matter how old and young you are, you’ll feel that depende sa pinagdadaanan mo. And I think this film has able to tackle that hindi lang do’n sa characters na may edad kung hindi hanggang doon sa characters namin na pinortray nina Che (Ramos). It feels our own dapithapon, so sana suportahan ninyo.”

Anyway, mapapanood ang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon simula Agosto 3-12 at sa Agosto 8, 9PM naman ang Gala Night sa Tanghalang Nicanor Abelardo Cultural Center of the Philippines.

Bukod kina Perla, Menggie, Dante at Romnick ay kasama rin sina Ryan Ronquillio, Jacqueline Cortez, Dunhill Banzon, Stanley Abuloc at Che Ramos. Mula sa direksyon ni Carlo Catu at sa panulat ni JC Pacala produced ng Cineko at CleverMinds Inc., kasama ng CMB Film Services at CG Post Production.

-Reggee Bonoan