ALWAYS present sa mga laban at ilang social events dito sa ‘Pinas at Amerika ang babaeng sinasabing close friend at avid supporter ni Pambansang Kamao Senator Manny Pacquiao, na si Ami Almerol. Isa siyang mayamang Pinay businesswoman sa Los Angeles na madalas ding nagpo-produce ng mga concert sa Tate, kaya marami rin siyang kaibigang singers gaya nina Marco Sison, Darius Razon, Malu Barry, Djohanna Giji Garcia, Beverly Salviejo, Martin Nievera, at marami pang iba.

Manny

Ayon kay Tita Ami, ay noong 2005 pa sila naging magkaibigan ni Sen. Manny.

“Since then, lagi kaming may communication. Ako din ang broker ng house niya na binili niya sa Hancock Park sa LA.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Whenever he is in LA (ang tinutukoy ay si Sen. Pacquiao), I always bring him his fave Kebab.

“Naging close kami ni Manny dahil noon, lagi kaming nag-kakaraoke etc, lalong naging close kami when he become a Christian. He brought me back to Jesus. He would text me verses from the Bible every day. He brought me to the Shepherd of the Hills Church,” mahabang kuwento ni Tita Ami.

Pati nga raw ‘yung mga high school friends niya ay ginawa na rin niyang avid supporters ni Pacman at tinawag na rin niyang Team Pacquiao, na hindi rin nawawala sa mga boxing fight ng anak ni Mommy Dionisia at mister ni Jinkee Pacquiao.

Tingin ni Yours Truly sa mga high school friends niya nu’ng despedida party niya nito lang nakaraang Linggo, ay pawang mga mayayaman din at tipong may kanya-kanyang business din sa kasalukuyan.

-MERCY LEJARDE