Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na P500 lang ang buwanang pensiyon na ibinibigay sa mahihirap na senior citizen, taliwas sa P6,000 kada buwan na kumakalat sa social media.

Nanawagan si DSWD acting Secretary Virginia Orogo sa publiko na huwag nang ipakalat o-i-share ang nasabing maling impormasyon upang hindi malito ang mga tao.

Tumatanggap ang mahihirap na senior citizen ng P500 pensiyon kada buwan sa ilalim ng social pension program ng DSWD, bilang tugon sa Expanded Senior Citizens Act of 2010, o Republic Act 9994.

Sa ilalim ng nasabing batas, ang isang 60-anyos pataas na walang tinatanggap na pensiyon ay maaaring makatanggap ng P500 buwanang pensiuon kung mahina na, sakitin, o may kapansanan.

National

Alice Guo, 'walang karapatang' tumakbo sa 2025 elections – Remulla

Bukod dito, dapat na walang natatanggap na anumang pensiyon mula sa pamahalaan ang benepisyaryo, at walang permanenteng pinagkakakitaan o mapagkukunan ng pera upang suportahan ang araw-araw na pangangailangan at gamot.

Ang nasabing pensiyon ay ibinibigay quarterly sa P1,500, na may kabuuang P6,000 sa isang taon.

Sa ngayon, nasa 2,906,079 na mahihirap na senior citizen ang tumanggap na ng nasabing pensiyon para sa ikalawang bahagi ng 2018.

-Ellalyn De Vera-Ruiz