Isang babala sa mga suspek sa ilegal na droga ang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), na magiging mabagsik at nakakikilabot ang pagpapatuloy ng kampanya laban sa ilegal na droga tulad nang simulan ito noon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson, Senior Supt. Benigno Durana, Jr., intensyon lamang ni Pangulong Duterte na balaan ang mga drug suspect na patuloy sa mga ilegal na aktibidad. Hindi umano ito direktang nangangahulugan na magiging madugong muli ang drug war.

“It doesn’t necessarily mean that it will be bloody. The chilling effect that we want to [send] is that there will be certainty of punishment. These drug pushers will be horrified and frightened [with] our intensified campaign against illegal drugs,” ani Durana.

Dagdag pa ni Durana, “This is one thing that we fail to realize: that these pushers they are merchants of death. Mangangalakal ng kamatayan. They destroy lives. They ruin relationships. They make families dysfunctional. Grabe ‘yung salot na idinudulot ng mga mangangalakal ng kamatayan na ito.”

National

4.7-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

Kasabay ng direktiba ng Pangulo na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga, sinabi ni Durana na asahan na ng publiko ang kanilang pagtalima sa kautusan. Sa katunayan, aniya, pinag-aaralan na ng national oversight committee sa Camp Crame kung paano mapapaganda ang kanilang estratehiya.

“It may mean increase in the number of arrests it may mean increase in number of arrests and neutralization of high-value targets (HVTs),” paliwanag niya.

Kasunod nito, umapela siya sa mga kritiko ng pamahalaan na tulungan sila sa problema ng ilegal na droga, sa pamamagitan ng pagre-rehabilitate ng mga sumusuko.

“At the same time, these intensified campaign will also generate some critics but we are appealing to the critics that they don’t just criticize. Help the government in the scourge that we are experiencing right now in our problems on illegal drugs. They should help us in rehabilitating drug users,” sabi ni Durana.

Base sa datos ng PNP, hindi bababa sa 4,655 drug suspect, mula Hulyo 1, 2016-Hulyo 22, 2018 ang namatay sa kampanya ng administrasyon laban sa ilegal na droga.

Samantala, nasa 1.2 milyong drug surrenderer ang naitala ng PNP kung saan nasa 200,000 dito—o 17 porsiyento ang sumailalim sa recovery at wellness program ng PNP, simbahan, non-government organizations (NGOs), at iba pang samahan sa bansa.

-Martin A. Sadongdong