Halos P3.5 bilyon ang gagamitin ng gobyerno para tustusan ang pagbangon ng Marawi City sa digmaan sa ilalim ng panukalang national budget sa susunod na taon.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kuntento siya sa rebuilding ng Marawi at nangakong patuloy na aalalayan ang mga residenteng itinaboy ng limang buwang terror siege noong nakaraang taon.
“The Task Force Bangon Marawi is doing a great job, as evidenced by the fact that more than 70 percent of its displaced residents have returned to the City,” sinabi ng Pangulo sa kanyang budget message sa Kongreso.
“To reassure the residents of Marawi that the government will take care fo them, we are allocating P3.5 billion, under the P20.0 billion National Disaster Risk Reduction and Management Fund, to augment the funds for the ongoing rehabilitation and reconstruction efforts,” aniya.
Karargdagang P1.3 B ang isasantabi para ibigay sa 55th Engineering Bridge upang makatulong sa rehabilitation at reconstruction ng Marawi City, ayon sa Pangulo.
EDUKASYON PA RIN
Ang sektor ng edukasyon pa rin ang makakukuha ng pinakamalaking parte ng panukalang P3.757-trilyon national budget para sa 2019 sa gitna ng mga planong magkaloob ng libreng matrikula sa state universities and colleges, kumuha ng mga karagdagang guro, at magkumpuni at magtayo ng mga silid aralan.
“With a total budget of P659.3 billion, the Education Sector remains the top recipient under the 2019 National Budget in terms of allocation,” anang Pangulo.
Sa ilalim ng 2019 budget proposal, sinabi ng Pangulo na tatanggap ang Department of Education (DepEd) ng P528.8-B, susundan ng SUCs, P65.2B; Commission on Higher Education (CHED), P50.4-B; at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), P14.8-B.
Sinabi ni Duterte na itinaas ng gobyerno ang budget para sa Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) sa P51-B sa 2019 mula sa P40-B noong nakaraang taon.
Genalyn D. Kabiling