Patay at nakabigti nang matagpuan ang isang lalaki sa banyo sa bahay nito sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rolly Malojo, 40, ng Block 3 Building 6 Unit 107 Disiplina Village, Barangay Bignay ng nasabing lungsod.

Ayon sa live-in partner ni Malojo na si Vingelyn Romero, 38, dumiretso siya sa banyo para umihi, dakong 10:30 ng gabi.

Nakasarado ang pinto kaya kumatok si Romero at tinanong ang kinakasama kung matatapos na ito, ngunit hindi sumagot.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Romero at muling kumatok, subalit hindi pa rin lumabas si Malojo.

Dahil dito, humingi na ng tulong si Romero sa mga kapitbahay at sapilitang binuksan ang pinto hanggang sa bumulaga ang bangkay ng biktima.

Walang alam na dahilan si Romero sa posibleng dahilan ng pagpapakamatay ng kinakasama.

-Orly L. Barcala