Alitan sa isang construction project sa Minalungao Eco-Tourism Park sa Nueva Ecija ang lumabas na motibo sa pamamaslang kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote, kamakailan.

Ito ang inihayag kahapon ni Chief Supt. Amado Corpus, director ng Central Luzon police, kasabay na rin ng pagbubunyag nila sa pagkakakilanlan ng umano’y utak sa pamamaslang.

Aniya, manager ng isang construction company sa lalawigan, sa katauhan ni Christian Saquilabion, ang isa umano sa nag-utos sa dalawang gunman na patayin ang alkalde, kapalit ng malaking bayad sa mga ito.

Nitong nakaraang linggo, ikinanta nina Florencio Suarez at Robertlyn Gumatay ang pangalan ni Saquilabon na nakipag-usap umano sa kanila upang paslangin si Bote.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Si Bote ay binaril sa harapan ng gusali ng National Irrigation Administration (NIA) sa Cabanatuan City, nitong Hulyo 3 ng hapon.

“They (gunmen) were paid P25,000 for it. Based on the judicial confession of the suspects on our custody, it was Christian Saquilabon who allegedly contacted them for the (killing) contract,” pagdidiin ni Corpus.

Bukod kina Suarez at Gumatay, sumuko rin sa pulisya si Arnold Gamboa matapos ang pamamaslang.

Ayon kay Corpus, matagal nang kakilala ni Saquilabon si Suarez hanggang sa planuhin ng mga ito ang pagpatay kay Bote.

“Aside from the judicial confession, the confirmatory forensics on the firearms seized from Suarez and Gumatay during their arrest proved to be used in the killing of Mayor Bote, and therefore made them credible,” pahayag pa ni Corpus.

Aminado naman si Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na nagpadala na ng surrender feeler si Saquilabon kamakailan, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa ito sumusuko.

Nakatakda namang sampahan ng kaso ang mga suspek ngayong araw.

-AARON B. RECUENCO