NGITI lang ang isinagod ni Jak Roberto nang pinagkukuwento siya tungkol sa relasyon nila ni Barbie Forteza, nang bumisita kami sa taping ng kanilang afternoon prime drama series na Contessa, na pinagtatambalan nila ni Glaiza de Castro.

jak and barbie

Hindi mo naman masisisi si Jak kung hirap siyang magsalita, dahil nga pareho silang may project na ginagawa ni Barbie. Si Glaiza nga ang katambal niya sa Contessa, habang ginagawa naman ni Barbie ang Inday Will Always Love You with Derrick Monasterio.

Pero thankful si Jak na nabigyan siya ng chance na makatambal si Glaiza. Aniya, marami raw siyang natututuhan dito, plus ang familiarity workshop nila bago nagsimulang mag-taping ng Contessa.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

So, kumusta naman sila ni Barbie, going strong ba ang relasyon nila? Wala bang selosan dahil siya may kissing scene siya kay Glaiza?

“Wala po naman, alam namin ni Barbie na trabaho lang iyon,” sagot ni Jak. “Okey po kami ni Barbie, iyon nga lang, tuwing Sunday lang kami nagkikita. Sa Sunday PinaSaya, na mainstays kami pareho. Magkasalisi po kasi ang schedule namin ng taping. Siya po MWF, at ako naman TThS,” paliwanag ni Jak. “Kaya madalas po after ng SPS lumalabas kami, o ‘di kaya dumadalaw ako sa bahay nila, para madalaw ko rin ‘yung puppy na ibinigay ko sa kanya.”

Hindi ikinaila ni Jak na nagsimula silang maging close ni Barbie nang gawin nila ang romantic-comedy series nilang Meant To Be.

“Doon ko siya lubos na nakilala. Si Barbie po ‘yung walang kaarte-arte sa katawan, laging nakangiti, parang walang problema, at very friendly niya sa amin ng mga kasama ko sa cast. To think na sikat na siya. Kami naman nina Ivan Dorschner at Addy Raz ay nagsisimula pa lamang.”

Ano pa ang mangyayari sa Contessa, na araw-araw ay pasabog ang mga eksena? Extended ba sila?

“Hindi po namin alam kung mai-extend pa kami, wala pa po silang sinasabi sa amin. Pero totoo po na laging pasabog ang eksena naming, lalo na ngayon na lumantad na si Contessa na siya talaga si Bea Caballero na akusado at matagal nang hinahanap ng batas. Pero absuwelto na siya at ngayon naman siya maghihiganti sa mga Imperial, sina Tita Chanda (Romero), Lauren (Young) at Gabby (Eigenmann),” kuwento ni Jak. “Hindi ko po alam kung magkakabalikan pa kami ni Bea o mas mamahalin na niya si Geoff Eigenmann, na boyfriend niya noong si Contessa na siya.”

Ang Contessa ay napapanood Mondays to Saturdays, sa GMA 7 pagkatapos ng Eat Bulaga.

-NORA V. CALDERON