Nasa 6,000 pulis ang ipakakalat upang tiyakin ang seguridad sa State-of-the-Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa sa Quezon City sa Hulyo 23.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar, nagsasagawa na ng serye ng mga pulong ang pulisya para sa ikatlong SONA ng Pangulo.

“Based on the recommendation of the QCPD (Quezon City Police District), 6,000 plus [policemen] will be deployed but we can always have augmentation coming from the neighboring police regional offices if needed,” sinabi ni Eleazar kahapon sa sidelines ng press briefing sa QCPD Headquarters sa Camp Karingal.

Dagdag niya, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Duterte, magpapatupad ng maximum tolerance ang pulisya sa SONA, at tanging mga shield lang ang bitbit ng mga pulis.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

“We deploy ourselves to protect not only the protesters but also our fellow policemen as well as other people who wanted to celebrate and join the SONA program,” ani Eleazar.

Samantala, sinabi rin ni Eleazar na makikipagpulong ang NCRPO sa mga lider ng iba’t ibang militanteng grupo na magsasagawa ng kilos-protesta sa labas ng Batasan Pambansa sa kasagsagan ng SONA.

Aniya, papayagan ang mga kilos-protesta sa layong 50 metro mula sa gate ng Batasan Complex.

Sinabi naman kahapon ni Quezon City Administrator Arvin Cuna na hanggang kahapon ay wala pang kumukuha ng permit sa pamahalaang lungsod para magsagawa ng protesta sa SONA.Kinumpirma rin ng NCRPO chief na walang namo-monitor na anumang banta ng kaguluhan o terorismo ang mga awtoridad kaugnay ng SONA ng Pangulo.

-Alexandria San Juan at Bella Gamotea