Magpapatupad na ng 24 oras na checkpoint ang pulisya sa buong bansa sa gitna ng serye ng pamamaslang sa mga pulitiko, nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Phi l ippine N a t i o n a l P o l i c e (PNP) spokesman, Senior Supt. B e n i g n o D u r a n a , J r . , nakababahala na ang halos araw-araw na pagpaslang sa mga local government officials na ang pinakahuli ay si Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan.
Nanawagan si Durana sa publiko na makipagtulungan sa PNP kapag nakapansin ng kahina-hinalang tao sa kanilang lugar, upang hindi na maulit ang sinapit nina Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili at General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote na tinambangan noong Hulyo 2 at 3, ayon sa pagkakasunod.
Sinabi pa n i Durana, siguradong mag-aalangan nang gumawa ng krimen ang mga kriminal kapag inumpisahan na ang 24 oras na checkpoint sa buong bansa.
-FER TABOY