Pumalo sa panibagong record high sa nakalipas na limang taon ang naitalang inflation rate nitong Hunyo.

Paliwanag ng Philippine Statistics Authority (PSA), umangat sa 5.2 porsiyento ang inflation noong nakaraang buwan.

Lagpas ng kalahati ang naging pag-angat nito kung ihahambing sa 2.5% noong 2017.

Dahil dito, nalagpasan pa nito ang February three-year high na 4.5%.

National

Dela Rosa sa paratang ni Espinosa: 'Suntukin ko siya sa mukha'

Sinasabing mas mabilis pa ang nasabing record sa tinaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of Finance (DoF).

Naging basehan ng inflation ang paglobo ng presyo ng alak at tabako (20.8%), pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang oil products (4.6%).

Sa panig naman ni BSP Governor Nestor Espenilla, hindi nila inaasahan ang ganito kabilis na pagbabago.

Kaya naman, magkakaroon umano sila ng review sa batayan ng situational assessment at forecast inflation path.

“We will review, update our situational assessment, forecast inflation path. This will shape strength, timing of next monetary policy response to firmly anchor inflation expectations,” wika ni Espenilla.

-Beth Camia