SENTRO ng international community ang Smart Araneta Coliseum, itinuturing Philippine Mecca of sports and entertainment, sa pagbabalik ni back-to-back NBA Finals MVP Kevin Durant sa Manila para sa “Hyper Court Team” All-Star Challenge sa Linggo.

durant

Nakatakda ang programa ganap na 4:00 ng hapon.

Ito ang ikalawang pagkakataon na bibisita si Durant sa Big Dome. Unang nagbigay ng kasiyahan sa Pinoy fans ang two-time NBA champion kasama sina All-Stars Kobe Bryant, James Harden, Chris Paul, at Derrick Rose sa isang exhibition game laban sa Gilas Pilipinas national team may pitong taon na ang nakalilipas.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Sa pagkakataong ito, pangungunahan ni Durant ang training session kasama ang mga piling players mula sa iba’t ibang institusyon.

Para sa libreng tiket, inaanyayahana ang mga tagahanga na magpatala online sa Nike website.

Itinuturing isa sa pinakamahusay at pinakasikat na basketball player sa mundo, higit na umangat ang career ni Durant nang sumapi siya sa Golden State Warriors noong 2017 kung saan agad na tumugma ang tambalan niya sa ‘Splash Brothers’ na nagresulta sa ikatlong titulo sa apat na Finals ng Warriors sa nakalipas na season.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.smartaranetacoliseum o sundan ang @thearanetacoliseum at Facebook at Instagram gayundina ang @TheBigDome sa Twitter.