Niyanig ng 5.2 magnitude na lindol ang Southern at Central Luzon, kabilang ang Metro Manila, kahapon ng tanghali.

Sa taya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang epicenter ng lindol sa 25 kilometro ng timog-kanlurang bahagi ng Nasugbu, Batangas habang naramdaman ang pagyanig dakong 12:25 ng tanghali.

Naramdaman ang Intensity 3 sa mga bayan ng Buco, Talisay, Tumaway at Calatagan sa Batangas; sa Quezon City; sa Clark, Pampanga; sa Mandaluyong City; sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; sa Looc at Mamburao, Occidental Mindoro; sa Malolos City, Bulacan; sa Tagaytay City; sa Cavite City; at sa Tanza at Maragondon, Cavite.

Habang Intensity 2 naman ang yumanig sa Marikina City; Navotas City; San Ildefonso, Bulacan; Talisay, Batangas; Maynila; Plaridel, Bulacan; at Parañaque City .

Probinsya

Aso sa Masbate, pinalo sa ulo hanggang mamatay–‘for the content’ lang?

Intensity 1 naman ang naramdaman sa Las Piñas City; Pasig City; Bacoor, Cavite; Cabanatuan City, Nueva Ecija; at Guagua, Pampanga.

-Ellalyn De Vera-Ruiz