REST in peace, Craig Raymond Turner.

Tina copy

Binawian ng buhay ang panganay na anak ni Tina Turner, sa edad na 59, pagkukumpirma ng Entertainment Tonight.

Sinabi ng tagapagsalita ng Los Angeles County Coroner’s office sa ET na wala nang buhay nang matagpuan si Craig sa kanyang bahay sa Studio City, California, bandang 12:58 ng hapon nitong Martes.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“The call was reported as a suicide, gunshot wound,” sabi pa ng kinatawan. “The next of kin has been notified. There will be an autopsy done and there is an investigator at the scene.”

Isinilang ni Tina si Craig noong 18 taong gulang pa lang siya, sa Kings of Rhythm saxophonist na si Raymond Hill, noong 1958. Makalipas ang apat na taon ay pinakasalan niya si Ike Turner noong 1962, at inampon ni Ike si Craig.

Nagtatrabaho si Craig sa real estate business sa San Fernando Valley. Nasa Europe naman si Tina, 78, at nakuhanan pa siya ng litrato sa Haute Couture Paris Fashion Week nitong Martes.

Nakikipag-uganayan na ang ET sa kinatawan ni Turner para sa komento