WASHINGTON (AFP) – Kinompronta ng isang babae si EPA chief Scott Pruitt sa isang restaurant sa Washington at sinabihang magbitiw na ito – ang huling opisyal mula sa administrasyon ni President Donald Trump na sinugod habang kumakain sa labas.

Nagpaskil si Kristin Mink ng video ng paghaharap nila ng Environmental Protection Agency administrator sa kanyang Facebook page nitong Lunes, isinulat na si Scott ‘’was 3 tables away as I ate lunch with my child. I had to say something.’’

Sa video – na mayroon nang mahigit 100,000 views – nilapitan ni Mink, isang school teacher, ang nakaupong si Pruitt at sinabihang: ‘’I just wanted to urge you to resign because of what you’re doing to the environment and our country.’’

Hindi sumagot si Pruitt kay Mink, at umalis ng restaurant.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo