SA halos isang taong bakbakan ng 4 8 hopeful candidates sa It’s Showtime, si Juliana Parizcova Segovia ang itinanghal na first season Miss Q and A Grand Winner nitong Sabado, s a Resorts World sa Pasay City.

Julian left only

Mu l a s a Top 1 0 , na-trim down sa Top 6 ang mga k a n d i d a t a , b a t a y s a kanilang sagot sa Question and Answer portion. Ang mga tanong ay mula mismo sa mga hurado na kinabibilangan nina Rated K host Ms. Korina Sanchez- Roxas, Designer Paul Cabral, It’s Showtime host Karylle, Juggs and Teddy, si One Championship at heavyweight champion Brandon Vera, JM de Guzman, 2018 Miss Universe-Philippines Catriona Gray, comedienne Pokwang, Miss International 2016 Nicole Cordovez at king of talk, Boy Abunda.

Kasama ni Juliana sa Top 6 sina Rianne Azares, Matrica Mae Matmat” Centino, Lars Pacheco, Marigona Dona Dragusha at Elsa Droga Mendoza. Nagbunutan ang anim para malaman kung sino ang makakaharap nila sa Debattle at kung sino ang malalaglag sa naturang sagutan. Na-eliminate sina Rianne, Marigona at Els , na isa sa mga pinakamalalakas na finalist base sa audience impact. Sa Debattle, tinanong ang top 6 ng: Sa inyong palagay, ano ang pinakamahirap na tanong at bakit?

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Panalo ang sagot ni Juliana over Elsa na ikina-out ng huli. Sagot ni Juliana, “Bilang isang kontesera at bilang isang bakla, alam nating lahat na wala kaming kinatatakutan na laban, wala kaming inaatrasan. Pero ang pinakamhirap na tanong na narinig ko at ibinato sa akin ay kung ano ang kinatatakutan ko. Alam niyo ba kung ano ang kinatatakutan ko? ‘Yun ang mawala ang ina ko sa tabi ko dahil siya ang dahilan k u n g b a k i t ako nandidito a t nalaban at nagpupursigi. Siya ang aking m a t a , bi b i g , tenga, kamay at mga paa. ‘Pag s i y a nawala, hindi ko alam kung papaano pa ako lalaban.”

I n i u w i n i J u l i a n a a n g Miss Q and A Swarobsky crown worth P300,000, P 1 m i l l i o n tax-free cash, P900,000 worth of Aficionado negosyo package, trip to Thailand for 2 at P500,000 worth of beauty enhancement.

Sa panayam namin kay Juliana after niyang makoronahan, sinabi niyang ilalaan niya ang natanggap na premyong isang milyon para sa kinabukasan nilang mag-ina, dahil nagkakaedad na raw sila at hindi lahat ng pagkakataon ay may dumarating na suwerte sa kanyang buhay.

Itinanong din namin sa kanya kung ano ang ipapa-enhance o ipapabago niya sa katawaan sa napanalunang half-a-million beauty enhancement prize? “Wala siguro,” malumanay niyang sagot.

Kahit ngipin nito ay ayaw niyang ipabago, “Kasi karakter ko ‘to e (bungal), dito ako nakilala at sinuportahan ng mga fans, kung magpapa-pustiso ako, hindi na ako si Juliana,” kanyang dahilan. “Sa suso naman, kuntento na ako,” aniya pa nang tinanong kung magpapa-enlarge siya ng kanyang dibdib.

“Tutal 500,000 worth ‘yong prize, iaalok ko na lang sa mga co-contestants ko na may gustong ipabago sa kanilang katawan,” sey pa ng Miss Q and A winner.

Bukod sa grand winner, ang first runner-up na si Matmat ay mag-uuwi ng P300,000 tax free cash, samantalang P200,000 tax free cash naman kay Lars

-ADOR SALUTA