NAPANATILI ng Pinoy ang titulo matapos na gapiin ang Hong Kong, 7-5, sa championship match ng 2018 BFA East Asia Cup nitong Huwebes sa Sai Tso Wan Baseball Field sa Kowloon, Hong Kong.

Dahil sa panalo, nakamit ang koponan ng karapatang makalahok sa 2019 Asian Baseball at 2019 Asian U23 Baseball Championships.

Pinangunahan ni Jennald Pareja ang panalo matapos magtala ng 4-of-5 at-bat na nagresulta sa dalawang runs at isang RBI.

Nagawang ma-strike out ni UAAP Season 80 Athlete of the Year Kiko Gesmundo ang pitong nakaharap na batters.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Tinanghal si Gesmundo bilang Most Valuable Player sa five-nation meet habang si Adamson Soaring Falcon Erwin Bosito ang nagkamit ng parangal bilang most stolen bases.

-Marivic Awitan