ANG ipinapakita ni Barangay Ginebra playmaker LA Tenorio na all-around game ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit biglang uminit ang laro ng Kings patungo sa final stretch ng PBA Commissioner’s Cup elimination round.

Nagposte ang beteranong Ginebra court general ng average na 14 puntos, 6.5 assists, 4.0 rebounds at 4.0 steals sa nakaraang dalawang blowout wins ng Kings kontra Columbian Dyip at Alaska Aces, ayon sa pagkakasunod.

Dahil sa impresibong laro ni Tenorio , siya ang tinanghal na Cignal-PBA Press Corps Player of the Week nitong nakalipas na linggo (Hunyo 18-24.).

Nagtala ang 33-anyos na dating Gilas Pilipinas pointguard ng 16 puntos, 10 assists, 3 rebounds at 3 steals nang gapiin nila ang Dyip, 133-104 nitong Miyerkules.

Putol na ang sumpa! UST tinapos na ang 9 taon losing streak sa Ateneo

Apat na araw pagkatapos nito, nagposte si Tenorio ng 12 puntos, 5 rebounds, 5 steals at 3 assists nang talunin ng Ginebra ang Alaska, 105-86.

Naungusan ng 5-10 guard na tubong Batangas ang teammate na si Japeth Aguilar, San Miguel Beer center June Mar Fajardo at guard Marcio Lassiter, Phoenix wingman Matthew Wright, Rain or Shine guard Maverick Ahanmisi at TNT forward Troy Rosario para sa lingguhang citation.

-Marivic Awitan