Kasalukuyang nagpapagaling ang isang pulis na sinasabing sangkot sa ilegal na droga makaraang tambangan ng riding-in-tandem sa Barangay Dulunan, Arevalo, Iloilo City, kamakalawa.

Sakay si PO2 Dorben Acap, Jr., na nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU), sa pulang Honda Civic nang pagbabarilin ng apat na suspek na sakay sa dalawang motorsiklo.

Dalawang tama ng bala sa katawan ang tinamo ni Acap.

Sa imbestigasyon, pauwi na si Acap nang sundan ng mga suspek saka pinagbabaril.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay Senior Insp. Mary Grace Borio, hepe ng Arevalo Police Station, itinuturing na high value target si Acap.

-Fer Taboy