KILALA ang Pinoy na handang magsakripisyo maibigay lamang ang pangangailangan ng pamilya.

Bilang pagkilala sa pagsisikap at sakripisyo para sa pamilyang Pilipino, inilunsad ng Chooks-to-Go – ang brand na kilala sa pagtataguyod ng SarapngPagsisikap ng Pinoy – ang Chooks-to-Riches promo.

Maglalaan ng karampatang papremyo ang Chooks-to-Go sa mga tapat at masisipag na kababayan na walang sawang sumusuporta at isinama ang Chooks-to-Go bilang bahagi nang masayang putahe sa hapag-kainan ng pamilya.

Kabuuang 12 customers ang bibigyan ng pagkakataon na makapag-uwi ng P100,000 cash prize at tax-free. Para makasali, bawat customers ay kailangan bumili ng isang buong Chooks-to-Go oven roasted chicken maging ito’y Sweet Roast, Pepper Roast, o Fried Chooks.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ilalakip ng customers ang kompletong pangalan, address, official receipt (OR) number, at total transaction amount via text message to 2256. Sa bawat linggo, simula nitong Hunyo 27, bubunot ang Chooks-to-Go ng tatlong pangalan na mananalo.

Dahil sa promo ng Chooks-to-Riches, higit na magiging kaaya-aya sa pamilyang Pinoy ang pagkain ng pinakamasarap na litsong manok sa bansa na tunay na malinamnam kahit walang sarsa.

Ang naturang promo ay available sa lahat ng Chooks-to-Go outlets sa bansa at matatapos hanggang sa August 11, 2018. Para sa karagdagang impormasyon, biistahin ang chookstogo.com.ph o facebook.com/chookstogo