PUPUNTA sa Manila ang Korean heartthrob na si Jung Hae-in para makipaglaro at makipag-selfie sa kanyang fans sa Enero 30.

Jung Hae-in copy

Gaganapin ng aktor, na sumikat sa Korean TV drama na Something in the Rain, a.k.a Pretty Noona Who Buys Me Food, ang kanyang “Smile” fan meeting sa Kia Theatre sa Quezon City sa Sabado, Enero 30, sa ganap na 6:00 ng gabi.Ang fans na makikisali sa saya at mananalo sa online games ay magkakaroon ng pagkakataong makipaglaro kay Jung Hae-in on stage. Makatatanggap din ang iba ng special gifts at memorabilia mula sa aktor.

Pauunlakan din ng aktor ang kanyang mga tagahanga na nais makipag-selfie at may magaganap ding poster signs, fan signs, group pictures, at hi-touch.

Tsika at Intriga

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI

Maaari ring makapanayam ng fans si Jung Hae-in sa event. Kailangan lang nilang isulat ang kanilang mga tanong sa post-it notes na ibibigay sa venue at idikit sa bulletin board at pipili ang aktor.

Kamakailan, dumalo ang aktor sa Dior Men’s Summer 2019 Show sa Paris nitong Enero 23.

Ang “Smile” Fan Meeting ni Jung Hae In sa Manila ay sa pagtutulunagn ng CDM Entertainment at FNC Entertainment, katuwang ang Max Experience.

-JONATHAN HICAP