KINILALA ang K-pop boy band na BTS bilang biggest winner sa 2018 Radio Disney Music Awards nang makatanggap ang grupo ng tatlong awards.

BTS

Ang ceremony, na ginanap sa Dolby Theatre sa Hollywood, California, ay napanooda sa Disney Channel noong Hunyo 23 (Hunyo 24 sa Manila).

Nagwagi ang BTS bilang Best Duo/Group at tinalo ang Clean Bandit, Echosmith, Imagine Dragons at Maroon 5.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Iniuwi rin nila ang Best Dance Track para sa Mic Drop (Steve Aoki Remix). Ang ibang nominees ay ang Friends ni Justin Bieber at BloodPop; Let Me Go ni Hailee Steinfeld at Alesso featuring Florida Georgia Line at Andrew Watt; The Middle nina Zedd, Maren Morris at Grey; at Silence ni Marshmello featuring Khalid.

Nanalo naman ang DNA, isang track ng BTS, sa album nitong Love Yourself: Her, ng Best Song that Makes You Smile at naungusan ang I Miss Those Days ng Bleachers, No Excuses ni Meghan Trainor, One Foot ng Walk the Moon, at So Much More Than This ni Grace VanderWaal.

Hindi rin nagpahuli ang BTS ARMY, collective name para sa fans ng BTS, bilang Fiercest Fans award, at inilampaso nila ang Mellogang ni Marshmello, Megatronz ni Meghan Trainor, Selenators ni Selena Gomez at Mendes Army ni Shawn Mendes

-JONATHAN HICAP