UMANI ng maraming papuri ang Kapuso Primetime Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa social media, at nag-trending ang ginawa nilang first anniversary episode ng drama anthology on overseas Filipino workers (OFW), ang Tadhana, hosted by Marian herself.

Marian & Ding Dong

Si Marian nga ang gumanap sa first anniversary episode nilang “Sugat ni Inay”, habang si Dingdong naman ang nagdirek.

Sa nasabing episode, nagtrabaho si Marian (Jackie) sa Bahrain, iniwan ang mga anak at asawang may sakit para mabigyan ang mga ito ng magandang buhay. Pero sa dalawang taong pagtatrabaho ay hindi siya pinalabas ng bahay, hindi makatawag sa cell phone at pinagmalupitan pa ng among babae. Niloko pa siya ng kapwa Pilipinong nagtatrabaho kasama niya, nang angkin nito ang sulat at perang ipinadadala niya sa kanyang pamilya. Dahil dito, nagtanim ng galit ang panganay niya at ayaw na siyang kilalanin pagbalik niya sa Pilipinas.

Bruno Mars, napansin kalokalike niya sa 'It's Showtime'

Habang ipinalalabas ito last Saturday sa GMA 7, marami na agad comments na nai-post sa Facebook account na @Marian Rivera. Ilan sa mga ito ang kay @Arlene Paunil: “Congrats maam Marian. Ang ganda po ng episode nyo lalo na at ikaw ang nagdala at si Dingdong. Napaiyak kami sa time na aalis kang muli at tinawag ka ng iyong anak... Ang daming aral at kasama na dun ang kayang magtiis ng isang ina, lahat ng sakit para lang sa kanyang anak. We are so proud of you Ma’am Marian Rivera Dantes.”

Komento naman ni @Lorna Garcia: “Maganda at puno ng aral sa mga anak na napilitang mangibang-bansa para sa magandang kinabukasan ng mga anak, na ‘di alam ng mga anak ang dinadanas na hirap ng kanilang mga ina. Napakagandang episode ng “Tadhana” para mamulat ang mata at isipan ng mga anak na dapat nilang pahalagahan dahil luha at pawis ang kapalit ng bawat sentimo na kanilang nahahawakan.”

Ayon kay @Aidale Aredam: “Lahat ng episode ng Tadhana maganda ang story at wala ako pinalagpas, now na si Marian ang gumanap mas lalo akong na-excite...andun pa rin ang galing ni Marian sa drama esp sa crying scene madadala ka talaga at maiiyak... Congrats Yan for the great performance & kudos also to Direk Dong!”

Reaksiyon naman ni @Rick Cruz: “Only Marian Rivera can deliver it, her mother was also a former OFW. Congratulations Marian and Dingdong, and to GMA Network.

May dagdag pang pakilig sa DongYan fans ang episode dahil umapir pa si Dingdong bilang ang abogadong tumulong kay Jackie para manalo ang kaso niya.

Right after Tadhana, nakakuha agad ito ng 1.2K likes, 57 comments, 66 shares 35.9K views at dumarami pa habang tinitipa namin ito. Iyong mga narito sa Pilipinas, nai-tape at naipadala na sa mga kamag-anak nila abroad ang nasabing episode dahil delayed daw ang airing doon ng GMA Pinoy TV.

-Nora V. Calderon