Sinunog ng mga natitirang miyembro ng Communist New People's Army Terrorist Group (CNTG) ang engineering equipment sa Zambales, nitong Sabado.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Nothern Luzon Command (AFP-NoLCom) Spokesman Lt. Col. Isagani Nato, naganap ang insidente bandang 1:00 ng hapon.

Aniya, ang mga miyembro ng NPA, na armed component ng Communist Party of the Philippines (CPP), na nag-o-operate sa mga barangay ng mga nasabing probinsiya, ang sumunog sa isang backhoe at isang payloader na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso sa Sitio Oraan, Barangay Cabatuan, Botolan, Zambales.

Matapos ang insidente, namataan ang mga nanununog na NPA sa liblib na lugar ng nasabing barangay.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon kay Nato, agad nagsagawa ng pursuit operations ang mga miyembro ng 3rd Mechanized Infantry Battalion (3MIB) at nakipag-ugnayan sa may-ari kumpanya upang magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga nasa likod ng insidente.

-Francis T. Wakefield