SA huling gabi ng burol ng ina ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films kamakailan ay isa si Mark Bautista sa mga nakiramay at nag-alay pa ng awitin.

Mark

Kumusta na ang lagay niya matapos isiwalat ang kanyang buhay at kasarian sa autobiography niyang Beyond the Mark?

“Okay naman po. I feel so much better,” sabi ni Mark. “Mas nagkaroon ako ng ibang klaseng fulfilment. Hindi ito naging madali, lalo na sa katulad kong isang public figure. I still need to be responsible for my actions.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Sa puntong ito I want to focus more on being myself and not to blend sa kung ano ang inaasahan sa iyo ng lipunan,” aniya pa.

Ano ang maipapayo niya sa ibang showbiz personalities na takot aminin ang tunay nilang pagkatao.

“Wala akong karapatang mag-advice dahil personal na journey nila ito sa buhay. Let them handle it themselves. Kung happy sila sa sitwasyon ay rerespetuhin ko ‘yun. If they want to be silent, let’s leave it that way. Hindi natin alam what they are going through in life.

-REMY UMEREZ