Isang Hapones ang muntik nang hindi makabalik sa kanilang bansa nang mabiktima ng “Salisi” gang sa loob ng Ninoy Aquino International Airport -Terminal 1 (NAIA 1).

Inireklamo ni Tesuya Makita, 58, ang pagkawala ng kanyang bagahe sa departure area habang naghihintay ng flight papuntang Narita, Japan.

Kuwento ni Makita, isang babae ang nagtanong sa kanya ng oras at nakipagkuwentuhan pa umano ito sa kanya habang ang dalawa pang babae, na kasama umano ng kanyang kakuwentuhan, tumangay sa kanyang bagahe.

Patungo na sana ang biktima sa Japan nang maganap ang insidente nitong Hunyo 16, bandang 2:25 ng hapon.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Aniya, mukhang mga beauty queen ang tumangay sa kanyang mga bagahe.

Naglalaman ang bagahe ng biktima ng pasaporte, cell phone, airline ticket at 50,000 yen.

-Ariel Fernandez