Binigyang-parangal ng Manila City government ang 10 natatanging miyembro ng Manila Police District (MPD) at 283 empleyado ng lokal na paamahalan ng lungsod, bilang bahagi ng nalalapit na pagdiriwang sa ika-447 Araw ng Maynila sa Hunyo 24.

Kabilang sa mga pulis na binigyan ng parangal sa awarding ceremony sa Manila Hotel kahapon, Huwebes, ay sina Supt. Christopher Tambungan, Deputy District Director for Administration; Supt. Jay Dimaandal, station commander ng MPD-Station 1; Supt. Emerey Abating, station commander ng MPD-Station 5; Chief Insp. Reynante Parlade, chief ng Rapid Deployment Company- Special Weapons and Tactics; SPO4 Agapito Yadao, Jr., chief clerk, ng District Special Operation Unit; SPO3 Dennis Ebuenga, D.A.R.E. officer ng MPD-Station 4; PO2 Edgardo DL. Medrano, imbestigador ng District Special Operations Unit; PO1 Raquel Dela Cruz, action PNCO ng District Operations and Plans Division; PO1 Danilo Kabigting, imbestigador ng MPD-Station 9; at PO2 Paolo Samonte, anti-drug operative ng DSOU.

Mismong si MPD Director Chief Supt. Rolando Anduyan ang nagrekomenda sa mga tauhan niya dahil sa mahusay na pagtupad sa kanilang tungkulin.

Pinangunahan naman ng Division of City Schools ang awarding ng mga Outstanding Educators sa lungsod sa awarding ceremony sa Century Park Hotel.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Isa si Dr. Lucky Samarita Carpio, ng Department of Education at dating punong guro ng Adamson University, sa mga binigyan ng pagkilala bilang Natatanging Guro ng Maynila 2018.

Kinilala rin ang 283 city hall employees na tatlo sa mga ito ang binigyan ng Special Mayor’s Award at P10,000 cash.

Kabilang dito sina Engr. Lorenzo B. Alconera, OIC-Department of Engineering & Public Works; Dra. Merle Sacdalan-Faustino, OIC-Hospital Director of Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH); at Atty. Fortune O. Mayuga, Director of Bureau of Permits.

May 10 empleyado rin ang kinilalang Most Outstanding Employees, sa isang awarding ceremony sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall.

-Mary Ann Santiago