Nagpahaging si Sen. Bam Aquino sa mga umano’y gumagamit ng simbolo ng “Laban” para sa sariling interes at kapakanan.
Matatandaang binuo ng tiyuhin ni Sen. Bam na si dating senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. ang Lakas ng Bayan o LABAN party-list noong 1978, na naunang sumikat bilang simbolo.
Kaya sa latest Facebook post ni Sen. Bam nitong Linggo, Hunyo 14, ipinaalala niya ang totoong sinasagisag ng “Laban.”
“Ang simbolo ng Laban ay kumakatawan sa sakripisyo, katapangan, at pagkakaisa ng mamamayan.
Huwag natin gamitin para isulong ang pansariling interes at kapakanan,” saad ni Sen. Bam.
Bagama’t walang binanggit na pangalan, mainit na pinag-uusapan ngayon si Sen. Alan Peter Cayetano, na ikinukumpara umano ang pakikipaglaban ng grupo niya sa Senado sa pakikibaka noon ni Ninoy laban sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.
“I mentioned earlier what Senator Benigno Aquino said that the Filipino is worth fighting for. So that’s why now and then, I hope others would not get offended, I will really use the Laban sign because we have to continue fighting,” saad ni Sen. Alan sa Facebook live niya noong Biyernes, Hunyo 12.
Ngunit ayon sa August Twenty One Movement (ATOM), isang kabalintunahan umano na matapos iendorso ng kampo ni Sen. Alan ang mga Marcos noong 2022 elections, pumopostura naman ang mga ito ngayon bilang tagapagmana ng legasiya ni Ninoy.
Maki-Balita: ATOM, binakbakan si Sen. Cayetano: 'You are not revolutionaries, you are delusionaries!'
Sabi naman ng Liberal Party (LP), malayo umano sa ipinaglalaban ni Sen. Alan ang pakikibakang ginawa noon ni Ninoy sa ilalim ng administrasyon ni Marcos Sr.
Maki-Balita: Pakikibaka ni Ninoy, malayo sa ipinaglalaban ni Cayetano—LP
Samantala, nilinaw naman ng senador na hindi raw niya inihahalintulad ang sarili kay Ninoy.
“I am proud of what they did and what they sacrificed. I do not compare myself, or our group, to them — but I do identify with what they fought for. The revolution is unfinished. Who will fight for the truth?” saad ni Sen. Alan.
“Some now ask who has the right to invoke Ninoy’s name. With respect, that is the wrong question,” pagpapatuloy niya. “We do not claim to be him, and we do not compare ourselves to his heroism. “
Kung babalikan, isa si Ninoy sa mga kilalang pigura sa kasaysayan ng Pilipinas. Higit dalawang dekada na ang nakakalipas simula nang paslangin siya, subalit hanggang ngayon, hindi pa rin tukoy ang mastermind.
Bilang senador ng 7th Congress, isa si Ninoy sa mga nangungunang kritiko ni Marcos Sr. Inaresto siya matapos ang deklarasyon ng batas militar noong 1972.
Kabilang sa mga kasong ipinataw sa kaniya ay murder, illegal possession of firearms, at subersyon. Noong Agosto 21, 1983, matapos ang tatlong taong pagkakatapon sa Amerika, umuwi siya ng Pilipinas at sinalubong ang kamatayan.
Binaril ang dating senador sa Manila International Airport, na ngayon ay nakapangalan na sa kaniya.
Maki-Balita: Cayetano, nilinaw na 'di kinukumpara ang sarili kay Ninoy