Bumwelta ang August Twenty One Movement (ATOM) sa pahayag ni Sen. Alan Peter Cayetano na ikinukumpara ang pakikipaglaban ng grupo nito sa Senado sa pakikibaka noon ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino laban sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.
“I mentioned earlier what Senator Benigno Aquino said that the Filipino is worth fighting for. So that’s why now and then, I hope others would not get offended, I will really use the Laban sign because we have to continue fighting,” saad ni Sen. Alan sa Facebook live niya noong Biyernes, Hunyo 12.
Kaya sa latest Facebook post ng ATOM nitong Sabado, Hunyo 13, sinabi nilang isang kabalintunahan umano na matapos iendorso ng kampo ni Cayetano ang mga Marcos noong 2022 elections, pumopostura naman ang mga ito ngayon bilang tagapagmana ng legasiya ni Aquino.
Anila, “You are not Ninoy's heirs--you are enemies of the values he represents. You are not revolutionaries—you are ‘delusionaries,’ a new term coined especially for your lot.”
“Hindi na kami hihiling ng kakaunting hiya para sa inyo,” pagpapatuloy ng ATOM, “sapagkat ipinakita niyo na nitong mga nakaraang linggo na wala kayo noon.”
Dagdag pa ng grupo, “Ang patuloy ninyong pagbali sa batas, pagiging hayok sa kapangyarihan, at pagpigil sa konstitusyonal na pagdaloy ng impeachment trial, ay nagpapakita lamang na hindi kayo karapat-dapat na maitulad kay Ninoy at sa mga lumaban sa diktador noon.”
Kaya naman patuloy nilang ipinanawagan na magbitiw si Sen. Alan sa posisyon nito bilang senador.
“Yes, as a senator. You have become a disgrace not only to the Senate but to the whole country as well, with your antics reaching the international community,” dugtong pa ng ATOM.
Patuloy pa rin ang nangyayaring sigalot sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso matapos magkahati-hati ang mga senador.
Nagsimula ito noong hindi sumipot ang Cayetano-led bloc sa nakatakdang plenary session noong Hunyo 2.
Ngunit sa pagpasok ni Sen. Chiz Escudero sa Senado noong Hunyo 3, nagkaroon sila ng quorum, dahilan para makabuo ng bagong liderato.
Naihalal bilang bagong Senate President Pro Tempore at acting Senate President si Sen. Win Gatchalian bilang kapalit ni Sen. Loren Legarda.
Kinilala ng Palasyo ang bagong lideratong ito ng Senado na sinegundahan naman ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Maki-Balita: Malacañang, kinilala ang 'bagong mayorya' at liderato ni acting SP Gatchalian
Maki-Balita; HS Bojie Dy, binati si acting SP Win Gatchalian