Kumpirmadong libre na ang pag-aaral sa kolehiyo matapos lagdaan kamakailan ang P41-bilyon kasunduan ng state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs), at ng Commission on Higher Education (CHEd), at Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST).

Ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, may akda ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (RA 10931), ang free college education ay tiyak na hakbang tungo sa pagpapalawak at pagpapalago sa middle class ng bansa.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas kamakailan, at sinaksihan din ang paglagda sa kasunduan nitong Hunyo 13 sa Malacañang.

Kasama ang 30,000 estudyante ng Albay sa makikinabang sa libreng kolehiyo; na may kabuuang 18,000 ang mula sa Bicol University sa Legazpi City, at mga campus nito sa Tabaco City at sa mga bayan ng Polangui at Guinobatan. Nasa 12,000 naman ang mapupunta sa Daraga Community College, Rapu-rapu Community College at Manito Community College.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3

PNA