Bumagsak sa kamay ng batas ang isang lalaki nang maaktuhang naglalaro ng baril habang umiinom ng alak sa loob ng isang kainan sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Jerome Laurente, nasa hustong gulang, ng naturang lugar, na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.

Dinampot si Laurente ng mga tauhan ng Police Community Precinct 8 (PCP-8) sa loob ng Boy’s eatery sa Block 16, kanto ng Eusebio Avenue, Nagpayong sa Bgy. Pinagbuhatan, dakong 2:30 ng madaling araw.

Una r ito, nagtungo sa naturang tindahan si Laurente at umorder ng alak.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Gayunman, naalarma ang mga tao sa lugar nang maglabas ito ng isang cal .38 revolver at pinaglaruan nito habang umiinom.

Nang respondehan, hawak pa ng suspek ang baril kaya kinumpiska ito ng mga pulis.

-Mary Ann Santiago