LOS ANGELES — Tuloy pa rin ang family tradition nina Jay-Z at Beyoncé makaraang maglabas ang power couple ng surprise album, na ikinagulat ng fans.

Beyonce

Nag-release ang couple ng isang joint album kung saan mapakikinggan ang galit ng rapper sa Grammy Awards ngayong taon, at mayroon ding shout out kay Blue Ivy sa kanyang mga kapatid.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Inilabas ang nine-track album na Everything Is Love nitong Sabado sa Tidal music streaming service na pagmamay-ari rin ni Jay-Z.

Tampok sa album ang pagra-rap ni Beyonce sa mga kanta, na mapapansing mas marami kaysa mga naunang releases.

Mapakikinggan sa isa sa mga kanta ang pambabatikos ni Jay-Z sa Grammys. Siya ang top nominee sa February’s awards show, ngunit wala siyang nauwi kahit isang parangal.

Isiniwalat din ng rapper na tinanggihan niya ang NFL Super Bowl halftime show, at sinabing may kailangan siya ng league kaysa mas kailangan niya ito.

Tinapos ni Blue Ivy ang awiting BOSS sa pamamagitan ng shout-out sa kanyang 1-year-old brother at sister, sina Rumi at Sir.

Noong 2013 ay biglaan ding nag-release si Beyoncé ng self-titled album Beyoncé.

-Associated Press