May 22, 2026

Home BALITA National

Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP!

Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP!
Photo courtesy: via AP News

Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Huwebes, Mayo 14 na walang banta ng destabilization kasunod ng insidente ng pamamaril sa Senado noong Miyerkules ng gabi, Mayo 13.

Ayon kay AFP chief na si Romeo Brawner Jr., nananatiling kalmado at propesyonal ang hanay ng militar sa kabila ng nangyari.

“My instructions to the soldiers nationwide is for everyone to remain calm, disciplined, and professional. We should only focus on our jobs and leave politics to the politicians,” ani Brawner sa mga mamamahayag.

Dagdag pa niya, “Very professional ang Armed Forces so hindi kami nag-aalala na ‘yung nangyari kagabi will spark something na mag-destab yung mga sundalo, hindi.”

Nilinaw rin ni Brawner na walang kinalaman ang mga miyembro ng Marines na naka-deploy sa Senado sa insidente ng pamamaril.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Ayon sa AFP chief, ang mga sundalong nakita sa mga video sa loob ng Senado bago ang insidente ay bahagi lamang ng regular na security deployment sa lugar.

Sinabi niyang nakatalaga ang mga miyembro ng Marine Security and Escort Group (MSEG) upang magbigay ng seguridad sa mga tanggapan ng gobyerno tulad ng Senado, Kamara, Department of Foreign Affairs, at iba pang opisina.

Samantala, inaresto ng pulisya ang isang driver na empleyado ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos makarinig ng ilang putok ng baril sa loob ng Senado nitong Huwebes.

Nauna nang sinabi ni NBI Dir. Melvin Matibag na walang NBI agents na naka-deploy sa Senado nang mangyari ang insidente.

Ayon naman sa pulisya, gumanti lamang ng putok ang mga tauhan ng Senate’s Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) matapos makarinig ng pamamaril.

Nangyari ang insidente sa gitna ng usapin hinggil sa posibleng pag-aresto kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa matapos maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) kaugnay ng madugong kampanya kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: We are allegedly under attack! SP Cayetano, nanindigang ‘di iiwan si Sen. Bato  

Kinumpirma rin ng isang senador nitong Huwebes na wala na si dela Rosa sa Senado.

Ayon sa mambabatas, sinabi ng isang miyembro ng Senate secretariat na umalis si dela Rosa sa gusali ng Senado bandang alas-2:30 ng madaling araw nitong Huwebes.

MAKI-BALITA: Umugong na pagtakas ni Sen. Bato sa Senado, chismis lang daw?—Atty. Torreon