TRULILI kaya ang tsikang nakarating sa amin na nanliligaw ang panganay na anak nina Senator Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimwell sa aktres na si Bianca Umali?

BIANCA

Dumagdag pa ang tsika nang magkita ang dalawa sa Smart Araneta Coliseum nitong Araw ng Kalayaan, Hunyo 12.

Nakasaad sa Instagram post ng Artist Center: “#KambalKaribal star Bianca Umali was the muse for the General Santos team at the opening of the Maharlika Pilipinas Basketball League second conference at the Araneta Coliseum earlier. Here she is with Jinkee Pacquiao and her sons Emmanuel and Michael Pacquiao.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Balik-tanong namin na nagpa-picture lang ang mga anak ni Pacman kay Bianca, eh, nanliligaw na kaagad.

“Matagal na ‘yan, hiningi ng magkapatid ang contact number ni Bianca, saka sumasama naman sila kay Manny sa GMA,” ang sagot naman sa amin.

Hmm, marunong pumili ang mga anak nina Manny at Jinkee, huh!

-Reggee Bonoan