BUMABA na ang blood pressure ni Kris Aquino, kaya naman habang sinusulat namin ang balitang ito ay nasa shooting na ulit siya ng I Love You, Hater.

Kris Aquino copy

Nakapagpahinga naman sa buong maghapon hanggang gabi ang Queen of Online World at Social Media kaya kumalma na ang BP niya.

At kahapon ay maaga ang call time (8:00 am) ng aktres, kaya maaga siyang nakapag-update sa kanyang followers sa Instagram.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Post ni Kris kahapon ng umaga: “Early call—getting ready for shooting. I don’t take for granted all I’ve been blessed with yesterday the newest box office director @ayrin personally gave me 2 of her books.

“Sid & Aya is now a certified blockbuster & I’m definitely watching tomorrow. I cannot wait to see why my friends & co-workers have been RAVING about the performances of @dongdantes & @annecurtissmith. We met w/ @visionerickson & @nix722 for a brainstorming merienda.

“The scenes from I Love You Hater I shot Wednesday w/ @garciajoshuae & tito Ronaldo Valdez were so emotionally raw for me that unfortunately my BP reached 160/120- if you watch our movie on July 11 you will most likely understand why. Have a peaceful long weekend ahead of you.”

Samantala, makalipas ang tatlong taon ay muling dadalo sa presscon si Kris. This time, para sa pelikulang I Love You, Hater nila nina Julia Barretto at Joshua Garcia, na gaganapin sa Dolphy Theater sa Lunes.

Matatandaan na ang huling presscon na dinaluhan ni Kris ay para sa pelikulang All You Need is Pag-Ibig, kasama sina Derek Ramsay, Ian Veneracion, Xian Lim, Jodi Sta. Maria, at Pokwang, na idinirihe ni Antoinette Jadaone para sa Star Cinema.

Kaya asahan na sa muling pagtuntong ni Kris sa Dolphy Theater ay magbabalik-tanaw siya dahil na-miss niyang mag-presscon ng pelikula.

Nakatitiyak din kaming maraming bukingang mangyayari kina Julia at Joshua, dahil tiyak na idadaldal sila ni Kris. At the same time, ibubuking din siya ng dalawa tungkol sa mga naganap sa shooting nila.

Ilang tulog na lang at mapapanood na ang I Love You, Hater sa July 11, sa direksiyon ni Giselle Andres, produced ng Star Cinema.

-Reggee Bonoan