IGINIIT ni Ilocos Norte Governor Maria Imelda Josefa “Imee” Marcos ang kontribusyon ng kababaihan at kahalagahan na makibahagi sa pagbabago ng lipunan at modernisasyon.

Nagbigay ng kanyang mensahe ang anak ng dating Pangulong Marcos sa pagbubukas ng Philippine Sports Commission – Women Sports Congress kahapon na nilahukan ng may 150 opisyal sa Century Park Hotel.

“It’s about time we gave women a chance,” ani Marcos. “Women have not been allowed the same involvement as men in sports. I hope that through the PSC and this congress, we will have greater opportunities to push sports for women even at the barangay level,” aniya.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing kongregasyon ang mga Leaders na kababaihan, mga atleta at mga national sports association officials kasama si PSC Commissioner Celia Kiram at dating Olympian at PSC Commissioner Gillian Akiko Thomson.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naroon din upang magbigay ng kanyang talumpati si International Communication Coach Gabriela Müller.

Ayon naman kay Müller, nais niyang maragdagan ang bilang ng mga babaeng pinuno na sinimulan niya noong pang 2016.

“Our target is to grow in leadership and improve what we’ve started in 2016. We are here because we believe we can make a better world,” ayon kay Muller na magiging tagapagpahayag sa dalawang araw na okasyon sa programa na itinataguyod ng PSC.

Pinasalamatan naman ni Commissioner Kiram ang lahat ng dumalo at siniguro na ipagpapatuloy ng PSC ang proyektong ito para sa mga kababaihan.

“Thank you for being one with the Commission in building a better environment for women in sports,” sambit ni Kiram.

Nakatakda ding na magsagawa ng Women Sports Congress ang PSC para sa mga Indigenous peoples na tatawaging Indigenous Women in Sports at gaganapin sa Bongao, Tawi Tawi sa susunod na buwan.

-Annie Abad