BEIJING (AFP) – Nanawagan si Chinese President Xi Jinping na ipatupad na ang Iran nuclear deal sa pagkikita nila ng pangulo ng bansa kasunod ng pag-urong ng US sa kasunduan, sinabi ng state media kahapon.

Nagpulong sina Xi at Iranian President Hassan Rouhani nitong Linggo kasunod ng dalawang araw na regional security summit sa silangang lungsod ng Qingdao na dinaluhan din ng Russia at dating Soviet republics.

Sa pagpupulong nila ni Rouhani, sinabi ni Xi na ang deal ay ‘’conducive to safeguarding peace and stability in the Middle East and the international non-proliferation regime, and should continue to be implemented earnestly,’’ ayon sa official Xinhua news service
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline