SINGAPORE (Reuters) – Naunang dumating si North Korean leader Kim Jong Un sa Singapore kahapon ng hapon para sa summit nila ni U.S. President Donald Trump na inaasahang maging daan para wakasan ang nuclear stand-off ng matagal nang magkaaway at baguhin ang direksiyon ng malihim at maralitang bansa.

WALANG URUNGAN Sinasalubong ni Singapore Foreign Minister Vivian Balakrishnan si North Korean leader Kim Jong Un sa kanyang pagdating sa Singapore, kahapon. Nakatakda ang pagpupulong nina Kim at US President Donald Trump sa Sentosa Island, bukas. (REUTERS)

WALANG URUNGAN Sinasalubong ni Singapore Foreign Minister Vivian Balakrishnan si North Korean leader Kim Jong Un sa kanyang pagdating
sa Singapore, kahapon. Nakatakda ang pagpupulong nina Kim at US President Donald Trump sa Sentosa Island, bukas. (REUTERS)

Lumapag ang private plane ni Kim sa Changi Airport ng Singapore matapos ang pinakamatagal niyang biyahe overseas bilang head of state na suot ang kanyang trademark dark Maoist suit at high cut hairstyle.

Sinalubong siya ni Singapore foreign minister, Vivian Balakrishnan, na nagpaskil ng litrato sa Twitter na kinakamayan si Kim at may kasamang mensahe na: “Welcomed Chairman Kim Jong Un, who has just arrived in Singapore”.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Nakatakdang makipagpulong ni Kim kay Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong sa city-state kinagabihan, ayon pahayag ng Singapore ministry of foreign affairs.

Nakatakda namang dumating si Trump sa Paya Lebar Airbase ng Singapore dakong 8:35 kagabi at didiretso sa Shangri- La Hotel, ayon sa White House.

Nagmula ang U.S. delegation sa Canada matapos dumalo sa G7 meeting sa lungsod ng Quebec. Kasama ni Trump sa Air Force One sina Secretary of State Mike Pompeo, National Security Adviser John Bolton, White House Chief of Staff John Kelly at White House Press Secretary Sarah Sanders.

Ngayong araw inaasahang makikipagpulong si Trump kay PM Lee.

Sa pagkikita nila Trump at Kim sa resort island ng Sentosa sa Martes gagawa sila ng kasaysayan bago pa man nila simulan ang mga pag-uusap.

Magkalaban simula ng 1950-53 Korean War, ang mga lider ng North Korea at United States ay hindi pa nagharap sa nakalipas – o nag-usap man lamang sa telepono.