DAHIL special para kay Alden Richards ang bago niyang project sa GMA 7 na Victor Magtanggol, siniguro ng Kapuso actor na siya mismo ang gagawa ng lahat ng action scenes para sa serye.

alden

Kinunan ang unang action scene ng Pambansang Bae sa isang palengke, kung saan nagpatalun-talon at nagpadausdos siya sa tiles. Ayon kay Alden, first time raw niya ginawa ang mga stunts na ito, sa ilalim ng patnubay ni Direk Dominic Zapata. Malaki raw ang naitulong ng kanyang parkour training bilang paghahanda sa mga ganitong eksena.

“Mostly kasi tipikal lang ‘yung mga fight scenes na nagagawa ko with my past projects. Pero ito kakaiba. Na-apply ko ‘yung natutunan ko sa parkour,” kuwento ni Alden.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Kaya naman kahit pagod, hindi ininda ni Alden ang hirap dahil enjoy siyang gawin ang lahat para mapaganda lalo ang mga eksena.

“Gusto ko kasi ito. Ganun ako ka-in love sa project na ito. Sabi ko nga when I took this project, ibubuhos ko dito lahat,” dagdag pa ni Alden.

Marami pa raw maaaksiyong eksena na gagawin si Alden para sa Victor Magtanggol, na ang istorya ng buhay ay puno ng drama, aksiyon at adventure na sumasalamin sa buhay ng bawat Pilipino.

At dahil nakatutok at puspusan ang kanyang preparasyon sa kanyang bagong role, kahit nga raw buwis-buhay ang ilang stunts ay gusto niyang siya mismo ang gagawa ng lahat hanggat maaari.

“I see to it na majority of the scenes dito ako talaga ang gagawa, lahat ng stunts, ako ang gagawa,” sabi pa ni Alden.

-MERCY LEJARDE