Nicki Minaj
Nicki Minaj
INILABAS na ni Nicki Minaj ang cover art para sa kanyang ikaapat na studio album, ang Queen, at talagang maituturing itong isang eye-catching piece of work.

Ang cover—depende sa tumitingin—ay maaaring glamoroso o kaya naman ay bulgar o malaswa. Ang litrato ay kinunan nina fashion photographers Mert Alaş at Marcus Piggott. Nag-pose si Nicki nang nakakaakit, suot ang Egyptian-style getup, gamit ang striking orange background. Walang suot na damit si Nicki kundi ang mga adornong kuwintas at crystal pasties na tumatakip sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

At siyempre pa, nakatanggap ng sangkatutak at iba’t ibang opinyon ang sexy photo sa social media, karamihan sa mga ito ay mula sa kanyang fans, na hangang-hanga sa larawan.

Ire-release ang Queen sa Agosto 8 at ito ang unang album na ilalabas ni Nicki kasunod ng critically acclaimed The Pinkprint noong 2014. Ipinagmamalaki naman ng rapper na ang Queen ang kanyang “greatest work to date.”

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Nakapaglabas na ng dalawang single si Nicki mula sa album, ang Barbie Tingz at Chun-Li, na umarangkada sa ikasampu puwesto sa U.S. Billboard Hot 100 chart, ayon sa ulat ng Yahoo Entertainment.