HINDI pinalampas ni Kris Aquino ang bagong post ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa Facebook makaraang tawagin ng huli na “drama queen” si Kris.

mocha

“Gusto ko lamang po sabihin at linawin sa lahat—wala pong hidwaan sa aming dalawa ni SAP Bong Go. Mahal at suportado ko po siya. Move on na po tayo. Lahat tayo ay niloloko ng isang drama queen. Sinubukan tayong i-divide para sa sarili niyang pang-interes. SOLID TAYO! Walang bibitaw,” post ni Mocha.

May picture nila ni Bong Go ang post ni Mocha, na may 4.4k comments, na karamihan ay pabor kay Mocha, pero may ilang maka- Kris na nagtanggol sa actress-TV host.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Batay sa mga nabasa naming comments, galit kay Bong Go ang ilang supporters ni Mocha dahil inilaglag daw nito ang kapwa opisyal.

Dahil sa dami ng kanyang ginagawa, as of this writing ay sa Twitter muna sumagot si Kris: “OMG! I LOVE IT! You finally got something right, I AM A Queen,” na sinamahan ng mga emoji ng crown, h e a r t , a t tikom na kamao, na ang i b i g sabihin a y laban.

-NITZ MIRALLES