LAS VEGAS (AP) — Matapos ang 43 season, napabilang sa kasaysayan ng Stanley Cup ang Washington Capitals.
Binasag ni Lars Eller ang huling pagtabla na may 7:37 sa laro para sandigan ang Capitals sa 4-3 panalo kontra Vegas Golden Knights at angkinin ang kauna-unahang Stanley Cup sa prangkisa nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).
Naunang naitabla ni Devante Smith-Pelly ang laro sa kalagitnaan ng final period bago ang game-winning ni Eller para sa kauna-unahang titulo ng Capital mula nang sumabak sa torneo noong 1974.
Nakamit nina Captain Alex Ovechkin, tinanghal na playoff MVP, ang Capitals ang unang kampeonato sa hockey para sa Washington at kauna-unahang major pro sports titlist mula nang magkampeon ang Redskins sa Super Bowl noong 1992.