Charlene at Aga
Charlene at Aga

Ni REMY UMEREZ

BIHIRA at mabibilang sa daliri ang showbiz marriage na tumatagal. Kaya marami ang naiinggit at humahanga sa showbiz couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na nagdiwang ng kanilang 17th wedding anniversary kamakailan.

Gustong malaman ng marami kung ano ang sekreto ng mag-asawa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa kanyang Instagram account, papuri at pagbati ang inialay ni Charlene sa kanyang mister, na isang buwang mawawalay sa kanila dahil kakailanganin nitong magpunta sa Canada para sa shooting ng pelikula nito with Bea Alonso.

Charlene posted: “Thank you for the many years of love and happiness. My husband and my best friend. You are the best. Here’s to a lifetime together.”

Biniyayaan ang mag-asawa ng kambal na anak, na anytime na mapagdesisyunang pasukin din ang showbiz ay tiyak na pag-aagawan ng movie companies.