TULAD ng naisulat namin last Thursday, humahanap lang ng timing para muling magkasama ang matagal nang magkaibigang Cristy Fermin at Kris Aquino. Kinahapunan ng araw na iyon ay natuloy ang pagbisita ni Kris sa teleradyo show ni Nay Cristy na Cristy Ferminute, sa TV 5.

Bea

Talagang sinubaybayan ng netizens at nag-viral pa ang nasabing interview sa muling pagsasama na kapwa naging co-hosts sa The Buzz ng ABS-CBN, kung saan nagsimula ang kanilang friendship.

This time, isang masaya at hindi palaban na Kris Aquino ang napanood ng publiko. Puro usapan tungkol sa pagmamahal sa mga magulang at mga anak ang nasambit niya.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Gaya ng inaasahan, may revelations din si Kris tungkol sa ex-boyfriend niyang si Mayor Herbert Bautista at sa ex-husband na si James Yap. Ipinaliwanag din niya kung bakit hindi siya puwedeng kumandidato sa 2019 elections.

Nagpasalamat din si Kris kina President Rodrigo Duterte, Special Assistant to the President Bong Go, at sa mga kasamahan niya sa industriya na sumuporta sa kanya.

Special mention niya ang mag-asawa at inaanak niyang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at binanggit na si Kim Chiu raw ang kauna-unahan daw na nagbigay ng suporta sa kanya.

Isa pa niyang pinasalamat si Mariel Padilla, knowing kung ano ang stand ni Robin Padilla sa ating government.

Pero ang pinasalamatan nang husto ni Kris ay ang Kapuso young actress na si Bea Binene. Hindi raw niya personal na kilala si Bea, pero twice na silang nag-meet sa dalawang events na pareho silang guests. Tanging ‘hi’ at ‘hello’ lang daw ang batian nila, at hindi man lang sila nagkakausap. Pero iyong bigyan siya ng suporta ng aktres ay napakalaking bagay na sa kanya. Dalawang beses pa raw nagpadala ng flowers si Bea sa kanya.

May konting update rin si Kris tungkol sa ginagawa niyang movie sa Star Cinema, ang I Love You, Hater with Julia Barretto and Joshua Garcia. Pero naging matipid siya, hanggang doon lang daw muna dahil baka mapagalitan siya kung ikukuwento na niya ang changes sa movie nila.

-NORA V. CALDERON