MINNESOTA – Sa mga nagsasabing laos na si Efren ‘Bata’ Reyes, panahon na para baguhin ang pananaw.

Hataw ang tinaguriang ‘The Magician’ laban sa pinakamatitikas na players sa US at Europe tungo sa 15-13 panalo kontra American Dennis Hatch at tanghaling kampeon sa The Break Room 8-Ball Classic nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Duluth, Minnesota.

Naiuwi ni Reyes ang korona at cash prize na US$8,000 (P420,000) sa ikatlong edisyon ng torneo sa nilahukan ng 16 na pinakamalupit na billiards player sa mundo.

Ginapi ni Reyes sa semifinals si Fil- American Alex Pagulayan, 15-11.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kahanga-hanga ang kampanya ni Reyes, dating world 8-ball champion, na hindi nakatikim ng kabiguan sa laban. Dinurog niya si anny Olson, 15-1, sa unang match bagao nanaig kay Vince Chambers, 15-13, para makasungkit ng semifinal berth.

Nagwagi naman si Hatch, Mosconi Cup veteran, si reigning champion Corey Deuel, 15-11. Nakapasok siya sa championship via loser’s bracket, 15-11, kontra Jason Klatt.

Nakopo ni Pinoy Dennis Orcollo ang titulo sa inaugural edition nito noong 2016.