NATULOY ang nabanggit ni Miguel Tanfelix nang makausap namin sa taping ng Kambal Karibal na planong reunion ng StarStruck Kids, na kanyang kinabibilangan. Nangyari ang kanilang reunion last Sunday, at ang naglabasang photos nito ay kuha sa isang restaurant sa Ayala Malls Vertis North.

Jm, Paul, Shamel, Miguel, Sam, at Sandy copy

Nakita namin sa picture, na naka-post sa Instagram (IG) ni Paul Salas, sina Bea Binene, Sandy Talag, Shamel Perez Leask, Sam Bumatay, na female grand winner, at sina Gabriel Roxas, JM Reyes, at si Miguel nga.

May isyu lang, nagalit ang fans ni Barbie Imperial dahil bakit daw siya isinama ni Paul, gayung alam naman daw nito na mga taga-Kapuso ang makakasama ni Paul. Nangangamba ang fans ni Barbie na baka mamemohan siya ng ABS-CBN.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, dahil magkasama na sina Miguel at Paul sa GMA-7, wish ni Miguel na magkasama sila sa isang show. Kaya lang, matatagalan pa siguro dahil extended ang Kambal Karibal and by the time na bigyan na ng show si Paul, tapos na ang Kambal Karibal at ilang months munang pahinga sa teleserye si Miguel.

-Nitz Miralles